Pinalayang Pinoy seafarers mula Haiti ligtas na nakauwi

Pinalayang Pinoy seafarers mula Haiti ligtas na nakauwi

OPISYAL na sinalubong ng Department of Migrant Workers (DMW) ang dalawang Pilipinong seafarer ng MV Century Royal sa kanilang Central Office sa Mandaluyong nitong Hunyo 19, matapos silang makauwi nang ligtas mula sa pagkakabihag sa Haiti.

Ang dalawang marino ay kabilang sa 18 tripulanteng Pilipino na sakay ng barkong ni-raid ng hinihinalang mga pirata sa Port-au-Prince Anchorage sa Haiti noong Abril 2025.

Dahil sa tulong ng pamahalaan at kanilang manning agency, matagumpay silang nailigtas at nakauwi sa bansa nitong Mayo 23 at Hunyo 17.

Nauna nang nakauwi noong Mayo 2 ang 14 sa kanilang mga kasamahang binihag din.

Bilang bahagi ng reintegration support, tumanggap ng tig-₱75,000 ang bawat seafarer mula sa DMW AKSYON Fund. Bukod pa rito, nakatakda ring magbigay ang Overseas Workers Welfare Administration ng karagdagang tulong, lalo na para sa kanilang mga anak.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble