NAKIKITA ng State Weather Bureau na PAGASA na wala pang mararanasang bagyo ang Pilipinas sa susunod na dalawa o tatlong araw.
Nilinaw lang ng PAGASA na makararanas parin ng maulap at maulan na panahon ang ilang lugar sa Pilipinas dahil sa pangingibabaw ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Partikular na makararanas nito ay ang Zamboanga peninsula at Palawan.
Sa July 3 naman ay maaaring makaranas ng pag-ulan ang mga lugar tulad ng Metro Manila; Laoag City; Baguio City; Legazpi City; Puerto Princesa City; Metro Cebu; Bacolod City; Cagayan de Oro City; Metro Davao; at Zamboanga City.
Dahil dito, ipinaalala ng PAGASA na mag-ingat ang lahat mula sa flash floods at landslides.