Pinatalsik na South Korean Pres. Yoon, sinusubukang arestuhin ng mga awtoridad

Pinatalsik na South Korean Pres. Yoon, sinusubukang arestuhin ng mga awtoridad

SINUBUKAN ng mga awtoridad sa South Korea ngayong Biyernes, Enero 3, 2025 na arestuhin ang pinatalsik nang South Korean President na si Yoon Suk Yeol.

Nasa 20 na mga imbestigador mula sa Corruption Investigation Office for High-Ranking Officials ng Seoul kasama ang ilang pulis ang pumunta sa bahay ni Yoon ngunit tumambad sa kanila ang napakaraming supporters ng politiko.

Sa ngayon ay hindi rin malinaw kung makikipagtulungan si Yoon sa mga awtoridad lalo na’t sa kaniyang New Year’s message, sinabi niyang lalaban siya hanggang dulo kontra sa mga puwersang sumasalungat sa estado.

Ang pagpapaaresto kay Yoon batay sa isang court order na inilabas noong Martes, Disyembre 31, 2024 ay may kaugnayan pa rin sa pagdeklara nito ng panandaliang Martial Law noong Disyembre 3.

Samantala, isang travel ban ang ipinataw sa CEO ng Jeju Air na si Kim E-Bae kasunod ng pagbagsak ng isa sa kanilang mga eroplano noong Disyembre 29.

Sa nabanggit na aksidente, umabot ng 179 katao ang nasawi.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter