Pinay sa Israel, ibinahagi ang malagim na karanasan mula sa mga militanteng Hamas

Pinay sa Israel, ibinahagi ang malagim na karanasan mula sa mga militanteng Hamas

HINDI basta-basta ang kinaharap ng Pinay na nakatakas sa kamay ng militanteng Hamas sa Israel.

Si Irene Apuela, isang caregiver na nagtra-trabaho sa isang pamilya na nakatira sa Kibbutz Kissufim ay nakaranas ng hindi niya malilimutang pangyayari sa kaniyang buhay.

Aniya, hindi niya maiwan ang kaniyang employer na pawang matatanda na rin at hirap nang kumilos kaya nanatili siya hanggang dumating ang rescue team.

Pag-rescue sa mga naipit sa digmaan ng Israel at Hamas, pinakamahirap na rescue operation ayon sa isang volunteer

Ang pag-rescue ngayon sa mga indibidwal na naipit sa digmaan sa pagitan ng Hamas at Israeli Defense Forces (IDF) ay parte ng pinakamahirap na rescue operations na nararanasan ngayon ng mga rescue team.

Ito ang inihayag ni Josh Wander, volunteer at international spokesperson ng Zaka Search and Rescue Team.

Ayon kay Wander, hindi aniya naging madali ang pagtulong sa mga nasugatan sa digmaan ngayon.

Marami na silang nagawang operasyon pero aniya ito ang pinakamahirap lalo na at kinakailangan ding palakasin ang emosyon ng mga natutulungan nito.

Two-state solution, hindi posibleng mangyari sa kabila ng digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas

Samantala, posibleng mas tumagal pa ang nangyayaring digmaan dahil hindi umano posible ang pagkakaroon ng two-state solution sa pagitan ng Israel at Palestine.

Ayon kay Dr. Gazi Hamad, miyembro ng political bureau ng Hamas na una nang umayaw ang Israel sa hakbang na ito.

Ayon sa Israeli Air Force (IAF), napatay sa operasyon nito ang isang senior Hamas commander na si Muataz Eid sa southern district.

Habang ang Al Qassam Brigades naman ang armed wing ng Hamas ay nag-anunsiyo na nagpalipad ito ng maraming rockets patungo sa Israel.

Follow SMNI NEWS on Twitter