Pinay weightlifters na sina Sarno at Macrohon, bigong makakuha ng medalya sa IWF Grand Prix II

Pinay weightlifters na sina Sarno at Macrohon, bigong makakuha ng medalya sa IWF Grand Prix II

BIGONG makapuwesto at makakuha ng medalya sa ginanap na International Weightlifting Federation Grand Prix II sa Doha, Qatar si Pinay Weightlifter Vanessa Sarno.

Ito’y kahit kasalukuyang personal best niya ang total 249 kilograms result doon sa IWF para sa women’s 71 kilograms category kumpara sa kaniyang performance sa 2023 Asian Championships sa South Korea kung saan nakakuha sya ng silver medal.

Ang kapwa Pinay weightlifter nito na si Kristel Macrohon ay bigo rin makakuha ng medalya sa nabanggit na event.

Sina Sarno at Macrohon ang ilan sa Pinoy athletes na tinatarget makapasok sa 2024 Paris Olympics.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble