Ping Lacson, nakiusap sa mga silent supporter na iparamdam ang kanilang presensya

Ping Lacson, nakiusap sa mga silent supporter na iparamdam ang kanilang presensya

HINIMOK ni presidential candidate Senator Ping Lacson ang kaniyang mga silent supporter na simulan nang iparamdam ang kanilang presensya.

Aniya marami pang dapat gawin sa natitirang mga linggo bago ang May 9 elections.

Ayon kay Lacson, malaki ang magagawa ng kaniyang mga supporter kung mangungumbinsi ang mga ito ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan na iboto ang tambalang pinaka-kwalipikado, may karanasan, at may kakayahan para maging susunod na lider ng bansa.

Matatandaan na ginawa ng presidential candidate ang panawagan sa gitna ng kanilang political rally sa QC Memorial Circle noong nakaraang Sabado.

BASAHIN: Sen. Lacson, hinimok ang Senado na aksyunan ang pagsuspinde ng fuel subsidy

Follow SMNI NEWS in Twitter