MAGLALABAS ng panibagong extended play (EP) ang Pinoy alternative rock band na Sandwich ngayong buwan.
Sa anunsiyo ng kanilang music label, pamamagatang Kaswal ang naturang EP.
Ilalabas ito sa Marso 26, 2025, ngunit bago nito, naglabas na ang banda ng single noong Pebrero 13.
Samantala, kasama rin ang Sandwich sa gagawing Soupstar Music Special Show sa huling bahagi ng buwan.
Makakasama nila sa show ang kapwa Pinoy artists gaya ng 6cyclemind, Imago, Moonstar88, Gracenote at iba pa.
Follow SMNI News on Rumble