Pinoy boxers, nanatiling positibo sa kabila ng hamon na dala ng 2024 Paris Olympics

Pinoy boxers, nanatiling positibo sa kabila ng hamon na dala ng 2024 Paris Olympics

HINDI magiging madali para sa Pinoy boxers ang boxing matches nila sa 2024 Paris Olympics.

Para sa light-heavyweight class ni Eumir Marcial, maaaaring makakalaban niya rito sina Touhetaerbieke Tanglatihan ng China na nanalo na sa kanilang laban sa Hangzhou Asian Games noong nakaraang taon.

Kasama rin sa nabanggit na division ni Marcial ay si Arlen Lopen ng Cuba; Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine; at Abdelrahman Oralby ng Egypt.

Ang division din ngayon ni Marcial ay hamon para sa kaniya dahil middleweight division ito sa Tokyo Olympics.

Si Carlo Paalam ay lumipat din mula flyweight papuntang featherweight.

Sina Nesthy Petecio, Aira Villegas, at Hergie Bacyadan ay pawang nailipat din sa ibang divisions.

Rason nito ang unavailability ng kanilang divisions sa Paris Olympics.

Sa kabila nito, positibo ang team na maipanalo pa rin nila ang Pilipinas sa kabila ng hamon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble