NAKABALIK na sa bansa ang mga Pinoy crew members ng SW Northwind Vessel-1 na inatake ng Houthi rebels nitong Agosto.
Sa post ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), 14 ang nakauwi noong Sabado, Setyembre 7, 2024.
Tatlo naman ang dumating nitong Setyembre 8.
Nabigyan na sila ayon sa OWWA ng financial assistance, pagkain, hotel accommodation, at transportation assistance.