KASALI sa 2023 Tokyo International Film Festival ang Filipino film na “The Fisher”.
Partikular na nominado ang pelikula sa Ethical Film Award ng nabanggit na film festival.
Tampok sa “The Fisher” sina Enchong Dee, Heaven Peralejo, Mon Confiado, Mercedes Cabral, at Eula Valdez.
Si Paul Soriano naman ang direktor nito.
Ang premiere ng pelikula sa Japan ay sa Oktubre 26 at 30.