Pinoy, kabilang sa mga nasawi sa Lunar New Year mass shooting sa California

Pinoy, kabilang sa mga nasawi sa Lunar New Year mass shooting sa California

ISANG Pilipino ang kabilang sa mga nasawi sa Lunar New Year mass shooting sa loob ng dance hall sa Monterey Park, California, USA noong weekend.

Ito ang kinumpirma ni Deputy Consul General Ambrosio Enciso III ng Philippine Consulate General sa Los Angeles sa panayam sa radyo.

Kinilala ni Enciso ang biktima na si Valentino Alvero, 68-anyos. Lunar New Year

Inaalam din ng konsulado kung mayroong mga Pinoy ang kabilang sa mga nasugatan sa insidente.

Batay sa ulat, nasa 11 katao ang nasawi sa mass shooting kung saan 10 dito ay sa pinangyarihan ng krimen at isa ay sa local hospital habang ginagamot.

Follow SMNI NEWS in Twitter