‘ON sale’ ngayon ang nasa 750K seats sa domestic flights ng low-cost carrier na Cebu Pacific.
Ang seat sale ay magtatapos sa Nobyembre 7 ngunit ang travel period ay magsisimula sa Enero 1 hanggang Marso 31, 2025.
Kamakailan lang ay naglunsad na rin ng bagong ruta ang Cebu Pacific at may dumating na rin na aircraft deliveries dahilan para maisagawa rin nila ang seat sale.
Para sa booking, maaaring idaan ng travelers via online o sa website ng low-cost carrier ang kanilang flights.
Follow SMNI News on Rumble