NANALO ang Pinoy movie na “Amon Banwa sa Lawud” (Our Island of the Mangrove Moons) bilang Best International Feature Film sa Louth International Film Festival ng Ireland.
Tinanggap ng stage director na si Anton Juan ang nabanggit na parangal noong Oktubre 1.
Sentro ang pelikula sa isang mangrove at fishing community sa Suyac Island, Sagay City, Northern Negros.
Ang nabanggit na komunidad sa isla ay umaapela na sana’y mapigilan ang mistulang pagbubura ng kanilang kasaysayan sa pamamagitan ng pagtatayo ng iba’t ibang makabagong imprastraktura.