Pinoy na nailikas mula Sudan, mahigit kumulang 500 na

Pinoy na nailikas mula Sudan, mahigit kumulang 500 na

UMABOT na sa mahigit-kumulang limang daan (496) na mga Pilipino ang nailikas mula sa Khartoum, Sudan.

Ayon ito sa Department of Foreign Affairs batay sa kanilang update nitong araw, April 28, 2023.

Mula sa bilang, 8 ang inilikas papuntang Athens, Greece sa pamamagitan ng Greek Military Flight.

16 naman ang nasa Jeddah, Saudia Arabia.

Samantala, maliban sa 500 nailikas, 414 ang nasa border na ng Egypt at Sudan.

Nasa 50 rin ang nag-aantay ng barko sa Port of Sudan upang dalhin sila sa Jeddah.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter