TARGET ngayon ng Department of Migrant Workers (DMW) na itaas pa ang antas ng trabaho ng mga Pilipino domestic workers sa ibang bansa.
Sinabi ni Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan, nakikipag-ugnayan na ang DMW at TESDA para sa upskilling ng mga OFWs upang magkaroon sila ng career promotion.
Ito ay dahil sa tumataas na demand para sa mga Pinoy caregivers sa ibang bansa.
Aniya, hindi rin kalakihan ang pagkakaiba ng suweldo ng nurses at caregivers, isang bagay na tinalakay sa Overseas Labor Market Forum noong Huwebes sa Pasig City.
Isinagawang forum, hindi mawawala ang mahalagang papel ng kagawaran sa pagtalakay sa kapakanan ng mga OFW.
Samantala, inanunsiyo rin ng DMW ang pagkuha ng Canada at Austria ng mga Pilipino nurses.
Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na kukuha rin ang Austria ng skilled-professionals para matugunan ang pangangailangan ng kanilang healthcare sector.
Sinabi rin ni Cacdac na kukuha ang Singapore ng mga Pilipino healthcare workers, habang nakikipag-ugnayan na rin ang Croatia sa DMW para sa pagkuha ng mga pilipino professionals.
Patuloy naman ang pagre-recruit ng Taiwan ng mga Pilipinong manggagawa para sa manufacturing, construction, at oceanic fishery industries.