NAWAWALA ang isang Pilipinong seafarer matapos nagbanggaan ang isang chemical tanker at container ship sa hilagang-silangang baybayin ng England nitong Marso 10, 2025.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang seafarer ay sakay ng container ship na MV Solong na sumalpok sa oil tanker na Stena Immaculate sa Humber Estuary, Hull.
Huling nakita ang marinero sa unahan ng MV Solong, ang bahagi ng barko na nasunog matapos ang malakas na pagsabog na sumunod sa banggaan.
Samantala, ligtas naman na na-rescue ang walong iba pang Pilipino at limang Russian crew members.
Ang mga Pinoy seafarers ay pansamantalang nananatili sa isang hotel sa London at nakatakdang i-repatriate.
Arestado naman ang Russian captain ng MV Solong habang iniimbestigahan na ng UK authorities ang sanhi ng insidente.
Patuloy pang nakikipag-ugnayan ang DMW sa pamilya ng nawawalang seafarer at tiniyak ang pagbibigay ng suporta at tulong sa kanila.
Follow SMNI News on Rumble