PASOK na ngayon sa Top 8 ng The Voice USA playoffs ang Pinoy singer na si Sofronio Vasquez.
Kasunod ito sa kaniyang naging performance ng kantang ‘crying’ na orihinal ni American singer-songwriter at guitarist Roy Orbison.
Sa katunayan, nakakuha pa ito ng standing ovation mula sa kaniyang coach na si Michael Buble.
Dahil dito, maraming netizens ang umaasa na makapasok pa sa final round ang Pinoy singer.
Si Sofronio ay naging contestant na sa ‘Tawag ng Tanghalan’, isang segment ng noontime show sa Pilipinas.