Pinoy sports heroes, isinusulong na mahimlay rin sa Libingan ng mga Bayani

Pinoy sports heroes, isinusulong na mahimlay rin sa Libingan ng mga Bayani

ISINUSULONG ngayon sa Kamara ang panukalang ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga Pilipinong atleta.

Saklaw rito ang regular at paralympic athletes na nanalo ng Olympic medals, world champions batay sa Games and Amusement Board at Hall of Famers na kinilala ng international sports federations.

Nilinaw lang ni Committee Chairperson at Isabela 5th District Representative Faustino Michael Carlos Dy III na ikokonsidera din kung mayroon pa bang ibang lugar espasyo sa Libingan ng mga Bayani para dito.

Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Colonel Danilo Dupiag, tinitingnan na nila ang posibleng pagtatayo ng panibagong Libingan ng mga Bayani sites sa Visayas at Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble