Pinoy tennis player Nino Alcantara, nananatiling Rank 176 sa ATP

Pinoy tennis player Nino Alcantara, nananatiling Rank 176 sa ATP

NANANATILING nasa number 176 sa Association of Tennis Professionals (ATP) rankings ang Pinoy na si Francis Casey ‘Nino’ Alcantara.

Ito’y dahil naipanalo ni Alcantara at ng Indonesian partner nito ang doubles sa M25 Chennai International Tennis Federation (ITF) noong nakaraang linggo sa India.

Ika-23 ITF doubles title na ito ng Pinoy tennis player at pangatlo kasama ang Indonesian partner.

Kung matatandaan, sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China noong Setyembre 2023 ay nasungkit ni Alcantara at Alex Eala ang bronze medal para sa mixed doubles.

Sa 32nd Sea Games sa Cambodia ay gold medal ang nasungkit nito kasama si Ruben Gonzales.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble