UMABOT na sa P170-M ang pinsalang dulot ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Mindanao nitong Disyembre 2, 2023.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), P15-M ang pinsala nito sa sektor ng agrikultura ng Caraga.
Mahigit P134-M naman ang mga pampublikong imprastraktura na nasira sa Caraga Region habang ang natitirang halaga ng pinsala ay matatagpuan sa Davao Region.
Ang epicenter ng lindol ay sa Hinatuan, Surigao del Sur.