Pinsala ng Bagyong Maymay at Neneng sa sektor ng agrikultura, pumalo na sa mahigit P400-M

Pinsala ng Bagyong Maymay at Neneng sa sektor ng agrikultura, pumalo na sa mahigit P400-M

PATULOY ang paglobo ng iniwang pinsala ng Bagyong Maymay at Neneng sa sektor ng agrikultura.

Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), pumalo na sa P427.77 milyon ang pinsala sa agrikultura sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region at Cagayan Valley.

Ayon sa DA, nasa 19,692 na magsasaka ang naapektuhan ng 2 magkasunod na bagyo.

Habang nasa 15,850 ektarya ng agricultural areas ang apektado at 20,796 metric tons ang volume ng production loss.

Kabilang sa mga apektadong commodities ay bigas, mais, high value crops, livestock, poultry, at fisheries.

 

Follow SMNI News on Twitter