Pinsala  ng Bagyong Odette sa sektor ng agrikultura, umabot na sa  P11.7-B

Pinsala ng Bagyong Odette sa sektor ng agrikultura, umabot na sa P11.7-B

PUMALO na sa P11.7 bilyon ang pinsala na iniwan ng Bagyong Odette sa sektor ng agrikultura ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa pinakahuling datos ng DA,  nasa mahigit tatlong bilyon na pangisdaan o fisheries ang naapektuhan at nasa P2.6 bilyon na halaga naman sa sub sector.

“Habang sa ating niyogan ay 1.5 bilyon pesos, sa high value and commercial crops ay umaabot 1.6 bilyon at sa sugarcane ay umaabot 1.2 bilyon, bukod pa sa mga nasirang agri0machineries, facilities, kaya umaabot ng 11.7 bilyon,” ayon kay Asec. Arne de Mesa.

Dahil dito,  apektado ang mahigit 400,000 na mangingisda at magsasaka partikular na sa kabisayaan at Northern Mindanao.

Dahil dito, nasa P2.9 bilyon ang inilaang ayuda ng ahensya habang ang iba naman ay naibigay na sa mga kababayang maralita.

Kasama na rito ang isang bilyon na quick response fund na ngayon ay on process na at maaari nang irelease.

“Inaasahan din ang philippine crop insurance agency ay mamahagi sa mahigit 800 milyon na imdemnification para sa mga insured affected farmers and fishers at 500 milyon na sure aid ng agricultural credit policy council, 25k po ito,” ani De Mesa.

Ayon kay CALABARZON Regional Director Assistant Secretary Arnel de Mesa, mahigit sa 25,000 na mga magsasaka at mangingisda ang pwedeng makinabang.

Nakatanggap naman ng fingerlings ang mga apektadong mangingisda habang ang Philippine Coconut Authority naman ay namahagi ng 15,000 seed nuts kasama ang napakaraming chainsaw na ipinamahagi para sa clearing ng  mga punong natumba dahil sa bagyo.

Binigyang diin ng DA na ang Typhoon Odette ang pangalawa sa pinakamapinsalang bagyo pagkatapos ng Yolanda na tumama sa Pilipinas.

SMNI NEWS