Pinsala ni Bagyong Agaton sa agrikultura, mahigit P270-M na

Pinsala ni Bagyong Agaton sa agrikultura, mahigit P270-M na

UMABOT na sa P 270.3-M ang naitalang pinsala na naidulot ng Bagyong Agaton sa agrikultura.

Batay ito sa ulat ng Department of Agriculture (DA) hanggang kahapon, April 12.

Malimit na makikita ang naturang mga pinsala sa Eastern Visayas at Caraga.

Umabot naman sa 16, 866 metric tons ang tinatayang volume ng production loss.

Kasama sa mga produktong napinsala ay palay, mais, high-value crops, at livestock.

Tinataya ring 3, 168 ektaryang lupain at 2, 199 na mga magsasaka ang apektado dito.

Nakahanda ang DA na mamahagi ng buto ng palay, mais, iba pang mga gulay at maging mga gamot para sa mga livestock at poultry na naapektuhan ni Bagyong Agaton.

BASAHIN: 36 katao, nasawi sa pananalasa ng Bagyong Agaton sa Baybay, Leyte


Follow SMNI News on Twitter