Pinsala ni Bagyong Kristine, bangungot sa Brgy. San Antonio 1, Noveleta Cavite

Pinsala ni Bagyong Kristine, bangungot sa Brgy. San Antonio 1, Noveleta Cavite

PINSALA ni Bagyong Kristine, bangungot sa Brgy. San Antonio 1, Noveleta. Hatid ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pamaskong handog sa “Kalinisan, Tatag ng Bayan” para sa pagbangon ng komunidad.

Sa bawat taon, ang Pilipinas ay nakararanas ng hindi mabilang na mga bagyo na nagdudulot ng matindig pinsala at pagdurusa sa ating mga kababayan.

Para sa marami, sana panaginip na lamang anila ito—pero hindi anila kayang itago ang katotohanan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggal-tanggal ang iniwang epekto ng kalamidad na dulot ng malalakas na bagyo.

Ang akala anila ng mga residente ay isa lamang simpleng baha, ngunit kabaliktaran pala ang mangyayari.

Lubog sa tubig-baha ang mga bahay, establisyemento, at maging ang mga paaralan at simbahan—nagmistulang dagat na rin ang ilang mga pangunahing kalsada sa nasabing bayan.

Dahil sa tindi ng epekto ng bagyo, may ilang mga residente ang nasawi dahilan kung bakit nagdeklara at isinailalim ang buong Cavite sa ‘state of calamity’.

Bakas pa sa isang bahay roon ang matinding pinsala na iniwan ng nagdaang Bagyong Kristine. Lubog kasi ito sa tubig-baha at malabundok ang iniwang basura na kung para sa ilang mga residente ay isa anilang matinding bangungot.

“Nakakaiyak talaga Neng. Durog na durog ‘yung dibdib ko parang gusto mo nang bumigay, talagang parang wala ka na sa sarili, trauma na rin.

“Inanod na rin ng tubig ang aming bilyaran, pati ‘yung mga tindahan namin ay lubog at tsaka pinasok din ‘yung loob ng bahay namin,” ayon kay Marilyn, Residente, Brgy. San Antonio 1, Noveleta, Cavite

Ang mga naipundar ngang gamit ni Maridean Cruz ay tila nawala aniya ng parang bula matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine.

Hamon din aniya ang matinding burak at basura sa kanilang lugar dahil sa pagragasa ng tubig-baha sa Ilang-Ilang River mula sa iba’t ibang barangay.

“Kapag bumaha na sa upland ‘yung mga troso ay dito nagpupuntahan sa amin.”

“‘Yung basura ay napakarami ‘yung mga sasakyan na, ay hindi na sila makapasok dahil sa sobrang dami po,” wika ni Maridean Cruz, Residente, Brgy. San Antonio 1, Noveleta, Cavite.

Batay sa datos ng Environmental Management Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (EMB-DENR) humigit-kumulang nasa 30 hanggang 40 tonelada ng basura ang nakokolekta sa bayan ng Noveleta kada araw.

At alam niyo ba na ang kawalan ng disiplina sa tamang pagtatapon ng basura ay nakakasama hindi lamang sa kalusugan ng tao maging sa ating kalikasan.

Kabilang din ito sa mga nagiging sanhi kung bakit tayo nakakaranas ng mga matinding bagyo.

Kaya, isa ‘yan sa nais iwasan ng Sonshine Philippines Movement (SPM) at Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

‘Kalinisan, Tatag ng Bayan’ Cleanliness Drive ni Pastor Quiboloy dumako sa Noveleta, Cavite ilang araw ang Pasko; Mga residente lubos na nagpapasalamat kay Pastor Apollo

Malawak na ang naabot ng programang binuo ng Butihing Pastor na ‘One Tree, One Nation Tree planting at Kalinisan, Tatag ng Bayan Cleanliness Drive’ program sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Iba’t ibang mga volunteer na rin ang sumama at nakiisa sa programa na itinatag simula pa noong 2005.

Kakaibang regalo nga ang handog ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga residente ng Brgy. San Antonio 1 sa bayan ng Noveleta sa Cavite—ilang araw bago ang Pasko.

Nadatnan ang napakaraming basurang nakakalat sa palibot ng Ilang-Ilang River, mga kalsada, at maging sa loob ng bakuran ng ilang residente.

Kaya, nagtulong-tulong ang mga volunteer ng SPM, KOJC, Keepers Club International, mga kabataan mula sa Sangguniang Kabataan, at mga opisyal ng barangay.

Sa higit tatlong oras na paglilinis ng mga volunteer sa mga nabanggit na lugar ay naging malinis, maayos, at maaliwas na ito tingnan pagkatapos.

Kaya, lubos ang pasasalamat ng mga residente kay Pastor Apollo dahil sa inisyatibo at tulong nito sa komunidad.

“Kami ay natutuwa rin pati ‘yung mga ka-barangay, dahil nagiging malinis ang aming barangay.”

“Kailangan magkaroon ng pagkakaisa,” saad ni Arnulfo Saquilagan, Punong Barangay/Residente, Brgy. San Antonio 1, Noveleta, Cavite.

“Malaking bagay dahil, malilinis na ang barangay namin kasi para sa amin ay napakahirap kasi napakaraming burak at may mga basura. Kaya, nagpapasalamat kami na kami ang napili niyo na puntahan ‘yung aming barangay po,” ayon kay Maridean Cruz Residente, Brgy. San Antonio 1, Noveleta, Cavite.

“Salamat kay Pastor Quiboloy dahil natulungan kami sa aming lugar,” wika ni Marilyn, Residente, Brgy. San Antonio 1, Noveleta, Cavite.

Dahil sa adbokasiyang ito ng Butihing Pastor ay nabibigyan ng aral ang mga Pilipino na importante na mapangalagaan ang kapaligiran at kalikasan.

Malaking halimbawa anila si Pastor Apollo Quiboloy sa mga kabataan lalo na sa henerasyon ngayon.

“Tumulong sa environment natin at naengganyo rin sila na maglinis-linis sa kanilang tapat na bahay. Kailangan nilang maging disiplinado sa paglilinis at tumulong sa mga barangay nila para maging malinis ang kanilang mga lugar,” ayon kay Glen Corpuz, SK Secretary, Brgy. San Antonio 1, Noveleta, Cavite.

Pero, ano nga ba ang epekto ng ginawang inisyatibo ni Pastor Apollo sa ating bansa?

“Pambihira ang pamamaraan ni Pastor Quiboloy at ng Kingdom of Jesus Christ na magkaisa sa komunidad at sektor ng lipunan para pukawin ang collective spirit of unity and mobilization. Ibig sabihin through the program ni Pastor na paglilinis, pagpupukaw at pagkikilos ay nabubuo ang collective consciousness ng Filipino people,” ani Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Anchor, SMNI.

“Nais kong bigyan ng saludo si Pastor Quiboloy kasi itong ginagawa niya ay this is not the beginning o this is not the first dahil dati pa lang ay ginagawa na ito ni Pastor Quiboloy at ngayon ay pinalawak lamang natin.”

“Hindi ito sa kanya dahil lang siya ay tumatakbo but this is a constant program that he has and sana maging mirror ito sa ating pamahalaan,” wika ni Astra Pimentel-Naik, 1st Nominee, Ang Bumbero ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter