Pinsala sa agrikultura ng Bagyong Agaton, lumobo pa sa higit P2.8-B

Pinsala sa agrikultura ng Bagyong Agaton, lumobo pa sa higit P2.8-B

NADAGDAGAN pa ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Agaton sa sektor ng agrikultura.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA) hanggang kaninang alas 10 ng umaga, lumobo pa sa P2.8 billion ang halaga ng pinsala at nawala sa agrikultura sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Caraga.

Nasa 64,525 naman na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.

Habang 31,645 na ektarya ng agricultural areas ang apektado at 89,093 metric tons ang volume ng production loss.

Kabilang sa mga apektadong commodities ay bigas, mais, high value crops, livestock, agri-facilities, machineries and equipment sa Western at Eastern Visayas.

Sinabi ng DA na nasa P723.07 million na readily –available assistance ang ibibigay sa mga magsasaka at mangingisdang apektado.