NADAGDAGAN pa ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Agaton sa sektor ng agrikultura.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA) hanggang kaninang alas 12 ng tanghali, lumobo pa sa 2.3 bilyong piso ang halaga ng pinsala at nawala sa agrikultura sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Caraga.
Nasa 54,013 naman na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.
Habang 25,632 na ektarya ng agricultural areas ang apektado at 70,064 metric tons ang volume ng production loss.
Kabilang sa mga nasira ang bigas, mais, high value crops, livestock at fisheries habang nakapagtamo rin ng pinsala sa mga agricultural infrastructures.
Sinabi ng DA na nasa P715.47 milyon na readily –available assistance ang ibibigay sa mga magsasaka at mangingisdang apektado.