Pinsala sa agrikultura ng Bagyong Agaton, lumobo pa sa higit P3.27-B

Pinsala sa agrikultura ng Bagyong Agaton, lumobo pa sa higit P3.27-B

NADAGDAGAN pa ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Agaton sa sektor ng agrikultura.

Sa datos ng Department of Agriculture (DA) hanggang kahapon, Abril 25, lumobo pa sa 3.27 bilyong piso ang halaga ng pinsala at nawala sa agrikultura sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Caraga.

Nasa 73,891 naman na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.

Habang 32,689 na ektarya ng agricultural areas ang apektado at 90,889 metric tons ang volume ng production loss.

Kabilang sa mga apektadong commodities ay bigas, mais, high value crops, livestocks, fisheries maging ang mga agricultural infrastructures, machineries at equipment.

Sinabi ng DA na nasa P 723.07 milyon na readilyavailable assistance ang ibibigay sa mga magsasaka at mangingisdang apektado.

BASAHIN: Pinsala sa agrikultura ng Bagyong Agaton, lumobo pa sa higit P2.8-B

Follow SMNI News on Twitter