UMABOT na sa P1.14-B ang tinatayang pinsala sa agrikultura dulot ng Super Typhoon Goring at southwest monsoon ayon sa Department of Agriculture (DA).
Batay sa pinakahuling pagtatasa ng DA, ang pinsala ay tinatayang nasa 51,283 metriko tonelada kung saan 35,006 magsasaka ang apektado.
Ang pinaka apektadong bilihin ay bigas na may volume loss na 41,238 metric tons na nagkakahalaga ng P979.42-M.
Pumangalawa ang mga pananim na mais, na may volume na nawala na 9,723 metric tons na nagkakahalaga ng P148.06-M.
Samantala, iniulat din ng DA ang 322 metric tons ng pagkawala sa mga high-value crops na nagkakahalaga ng P12.5-M, gayundin ang pinsala sa mga alagang hayop at manok na nagkakahalaga ng P2.59-M.