Pinsala sa imprastraktura ng Bagyong Karding, pumalo na sa P23-M

Pinsala sa imprastraktura ng Bagyong Karding, pumalo na sa P23-M

PUMALO na sa P23.05-M ang iniwang pinsala sa imprastraktura ng Bagyong Karding.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang nagtamo ng matinding pinsala na nasa P19.6-M, sumunod ang MIMAROPA na may P3-M infrastructure damage at ang Region 1 na may P450,000.

Nasa 3,068 naman na kabahayan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at CAR ang apektado kung saan 2,437 dito ay partially damaged at 631 ang totally damaged.

Samantala, umabot na sa mahigit P110.13-M ang pinsala sa sektor ng agrikultura habang mahigit P1.65-M naman ang pinsala sa livestock, poultry at fisheries.

Ayon sa NDRRMC, nasa 2,640 ang apektadong mangingisda at magsasaka dahil sa bagyo at 4,469 ektarya ng pananim ang nasira.

Sinabi ng DRRMC na mahigit P5.5-M halaga na ng ayuda ang naipamahagi sa mga apektadong indibidwal.