Pinsala sa imprastraktura ng Bagyong Paeng, umabot na sa P5-B

Pinsala sa imprastraktura ng Bagyong Paeng, umabot na sa P5-B

SUMAMPA na sa P5-B ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng Bagyong Paeng sa bansa.

Batay ito ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes, Nobyembre 10.

Nasa 910 na imprastraktura ang naapektuhan ng bagyo mula sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6, 7, 10, 11, 12, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera Administrative Region (CAR).

Pinakamalaking pinsala ay nanggaling sa Calabarzon na umabot sa mahigit P1.3-B.

Sinundan ito ng Region 5 sa mahigit P793-M at CAR sa mahigit P736-M.

Samantala, umabot sa mahigit P6.1-B ang pinsala sa agrikultura ng bagyo, kung saan naapektuhan nito ang 144,682 magsasaka at mangingisda.

Follow SMNI NEWS in Twitter