UMABOT sa 43 pamilya o 174 indibidwal ang naaapektuhan ng magnitude 6.3 na lindol sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan kamakalawa.
Batay ito sa isinagawang assessment ng Office of Civil Defense – NDRRMC.
Pansamantalang sumisilong ang 20 pamilya o 98 indibidwal sa evacuation center.
Nananatili naman sa limang indibidwal ang naiulat na nasaktan.
Tatlong kabahayan ang napinsala ng lindol habang halos P45-M ang halaga ng pinsala sa imprastraktura.
Siniguro naman ng OCD-NDRRMC na may nakahanda silang tulong para sa mga apektadong residente.
Naka-standby rin ang kanilang search and rescue team sakaling kailanganin ng lokal na pamahalaan.