TINATAYANG umabot ng P2M ang naidulot na pinsala ng magnitude 5.6 na lindol sa Ilocos Norte kamakailan sa isang simbahan.
Sa ulat ng Ilocos Norte-Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nagkaroon na ng bitak ang pader ng isa sa kanilang historical church sa Sarrat.
Maliban sa pinsalang ito ay nagkaroon din ng minor damage ang isang mall sa San Nicolas, isang government facility sa Bangui at isang residential house sa Pagudpud.
Nangyari ang lindol nitong Lunes, Disyembre 30, 2024.