Pinsalang dulot ng shear line sa Davao at Caraga Region, mahigit P78-M na—NDRRMC

Pinsalang dulot ng shear line sa Davao at Caraga Region, mahigit P78-M na—NDRRMC

TINATAYANG mahigit P78-M na ang pinsalang hatid ng landslide at sunud-sunod na pag-ulan sa Davao at Caraga Region sa sektor ng agrikultura.

Katumbas ito sa walong libong ektarya ng pananim batay sa umagang ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, Enero 23, 2024.

Nasa mahigit anim na libong magsasaka at mangingisda na rin ang apektado sa pag-ulan at landslide.

Mahigit P27-M na ang pinsalang hatid sa 55 imprastraktura sa Davao at Caraga Region.

Kasama rito ang mga tulay, flood control structures, mga daan, paaralan, government facilities, at utility service facilities.

Enero 15 nang mag-umpisang makaranas ng pagbaha, landslide at pag-ulan ang Davao at Caraga Region dahil sa shear line.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble