Piolo Pascual, tampok sa isang horror film sa unang pagkakataon

Piolo Pascual, tampok sa isang horror film sa unang pagkakataon

MATUTUNGHAYAN na ang veteran actor na si Piolo Pascual sa isang horror film.

Ito’y dahil tampok ang aktor sa palabas na “Mallari” kung saan ang character niya dito ay isang serial killer priest.

Hango ito sa totoong pangyayari sa buhay ni Father Juan Severino Mallari, ang kauna-unahang Catholic priest sa Pilipinas na serial killer.

Ikinatuwa naman ni Piolo ang role shift lalo na at palagi lang siyang tampok sa romantic-comedies at drama films.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter