Pisikal na pagdalo ni dating NegOr Gov. Pryde Teves sa pagdinig ng Senado, ikinatuwa ni Sen. Robin Padilla

Pisikal na pagdalo ni dating NegOr Gov. Pryde Teves sa pagdinig ng Senado, ikinatuwa ni Sen. Robin Padilla

NABITIN subalit nagpapasalamat si Senator Robin Padilla dahil pisikal na dumalo sa unang hearing ng Senado sa Degamo Slay case si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves.

Sa panayam ng SMNI News, sinabi ni Padilla na ito ay kahit hindi natuloy ang pagsali ng kapatid ni Pryde Teves na si Negros Oriental Third District Representative Arnolfo Teves, Jr.

Matatandaan na bukod kay Rep. Arnie Teves ay itinuro din bilang isa sa mastermind sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo si Pryde Teves.

Noong Marso 24 ay ni-raid ng PNP-CIDG ang sugar mill compound ni Pryde Teves sa Negros kung saan nakuha ang 6 na rifles; 9 na pistols; 9, 615 rounds ng live ammunition; 207 fired rounds; 45 magazines; firearms accessories, at cash na nagkakahalaga ng 18 milyong piso.

Una na ring inihayag ni Pryde Teves na handa itong i-waive ang kaniyang bank accounts at ang lahat ng uri ng komunikasyon para mapatunayang wala siyang kinalaman sa pagpaslang kay Degamo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter