Pitong doktor sa Quezon City, dinapuan ng COVID-19

PITONG doktor mula sa lungsod ng Quezon ang dinapuan ng COVID-19.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Rolly Cruz, hepe ng epidemiology and surveillance disease department sa Quezon City.

Sa ngayon ay umaabot na sa apatnapu’t apat (44) ang kaso ng COVID-19 sa lungsod, kung saan lima na dito ang gumaling at dalawa ang namatay mula sa Brgy. Matandang Balara at Brgy. Del Monte.

Ayon kay Cruz, may tig-iisang kaso ang nadagdag mula sa mga ng Barangay Tatalon, Masagan, Bungad at Ramon Magsaysay.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Mayor Joy Belmonten sa mga residente na manatili na lamang ang mga ito sa kanilang mga tahanan para makaiwas na mahawa sa virus.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.