Pitong estudyante sa Bolivia, patay matapos mahulog mula sa bumigay na railing ng unibersidad

PITONG estudyante sa Bolivia ang patay matapos mahulog mula sa bumigay na balcony railing sa ika apat na palapag ng  noong umaga ng Marso 2, 2021.

Makikita sa mga video na nagkalat ngayon sa social media ang mga estudyanteng nagsisiksikan sa railing ng naturang gusali.

Ilang sandali pa ay makikita ang pagbigay ng balcony railing dahilan upang mahulog ang ilang estudyante patungo sa ground floor.

Malalang pinsala sa ulo ang tinamo ng pito sa mga nahulog na nagdulot ng agaran nilang pagkamatay.

Makikita din ang isang babae na maswerteng nakakapit sa bahagi ng nasirang railing, dahilan kung bakit sya ay nahila at nailigtas ng kanyang mga kasama.

May ilang din naman na maswerteng nakaligtas nang mahulog sa kasunod lamang na palapag.

“The university declares mourning for seven days at the Public University of El Alto due to the unfortunate events that occurred on the morning of this day, March 2.” ayon sa tagapagsalita ng UPEA.

Samantala, pinaniniwalaan naman ng ilang netizens na isa sa mga namatay ay sangkot sa tila pagtatalo at pagtutulakan ng ilang estudyante bago mangyari ang naturang aksidente.

Ang naturang mga estudyante ay dumalo sa isang assembly ng unibersidad.

Maraming mga netizens ang pumuna sa ginawang assembly ng naturang unibersidad kahit na may pandemya.

Paliwanag naman ng pamunuan ng unibersidad, hindi nila pinayagan na magkaroon ng ganoon kalaking pagtitipon ang mga estudyante.

Sinabi naman ni Bolivia Chief of Police Col. Jhonny Aguilera na nag-iimbestiga ngayon ang kapulisan kung ano ang sanhi ng malagim na aksidente.

“We regret the tragedy that occurred at the Public University of #ElAlto (UPEA), where there were several deaths and injuries. Our deepest condolences to the people of El Alto and to the suffering families. We await the prompt clarification of the facts.” pahayag ni Bolivian President Luis Arce.

SMNI News