PINARANGALAN at ginawaran ng titulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang Ulirang Guro sa Filipino 2022 ang pitong guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa, ngayong araw ng Martes, October 4, 2022.
Ito ay bahagi ng pakiisa ng KWF para sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Buwan ng mga Guro.
Ang Ulirang Guro sa Filipino ay taunang parangal na ipinagkakaloob ng KWF sa mga gurong nakapag-ambag para sa promosyon ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa bansa.
Dalawa sa mga awardee ay nagtuturo sa elementary, dalawa rin mula sa sekondarya at tatlong guro naman mula sa tertiary ang ginawaran ng naturang pagkilala.