Pitong Pilipino, nasa listahan ng ‘30 Under 30 Asia’ ng Forbes

Pitong Pilipino, nasa listahan ng ‘30 Under 30 Asia’ ng Forbes

PASOK sa ‘30 Under 30 Asia’ ng Forbes ang pitong Pilipino.

Ang pito ay ang content creators na si Abigail Marquez na kilala bilang lumpia queen at Ramon Christian Larga, isang pharmacist na kilala sa kaniyang TikTok videos.

Nasa listahan din si Chia Amisola ng Developh; ang artist na si Joshua Serafin na naka-base sa Belgium; si Mikaela Reyes ng Parallax; Amanda Cua ng Backscoop; at rapper na si Ezekiel Miller.

Ang “30 Under 30 Asia” ng Forbes ay listahan na kumikilala sa mga young entrepreneurs, leaders, at innovators sa buong Asia-Pacific Region.

Ang listahan ay may 10 kategorya gaya ng art and style, food and drink; at entertainment and sports, finance and venture capital.

Maging ang media, marketing and advertising; retail and e-commerce, enterprise technology.

Kasama rin ang industry, manufacturing and energy, healthcare and science, social impact and consumer technology.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble