PITX, dagsa na ng mga pasaherong uuwi sa probinsiya para sa Semana Santa

PITX, dagsa na ng mga pasaherong uuwi sa probinsiya para sa Semana Santa

1.7 milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya para sa Semana Santa.

Simula noong Biyernes, dagsa na ang mga pasahero sa PITX na umabot sa mahigit 130,000 (130,179).

Nasa lagpas 127,000 (127,302) naman ang foot traffic nitong Sabado habang lagpas 100,000 (101,114) na pasahero nitong Linggo.

Ngayong alas-7 ng umaga ng Lunes, umabot na sa 17,300 ang foot traffic sa PITX.

Sa ngayon ayon sa pamunuan ng terminal, wala pang fully booked na mga biyahe.

May mga nakaantabay namang dagdag na units na magagamit kung kakailanganin upang hindi maantala ang biyahe ng mga pasahero.

Samantala, wala namang holiday ang mga tauhan ng PITX mula noong Biyernes hanggang Abril 1.

Ngayong Lunes, iinspeksiyunin naman ng ilang opisyal ng gobyerno ang nasabing terminal.

Kabilang na ang mga opiyal ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble