PITX, nakahanda sa muling pagdagsa ng mga pasahero ngayong araw

PITX, nakahanda sa muling pagdagsa ng mga pasahero ngayong araw

NAKAHANDA ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa muling pagdagsa ng mga pasahero ngayong araw.

Nitong umaga ng Lunes, hindi pa gaanong kadami ang bilang ng mga pasahero na dumadating sa PITX.

Sinusulit pa ng mga bakasyonista ang long weekend matapos na idineklarang non-working holiday ng Malacañang ang araw ng Lunes, April 10, bilang paggunita sa ‘Araw ng Kagitingan’.

Pero may iilan na mas pinili nang umuwi nang maaga para iwas abala.

Ayon sa pamunuan ng PITX, nitong Lunes, nasa higit 7-k pa ang foot traffic sa land terminal.

Nitong Linggo, umaabot sa higit 90-k ang foot traffic sa PITX.

Nakahanda naman ang mga mini bus, taxi, at dyip sa PITX para sumalubong sa mga uuwing pasahero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter