NAKAPAGTALA ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ng higit 1.6-M na pasahero sa first half ng holiday season.
Sabi ng PITX na simula Disyembre 15 hanggang Disyembre 26, umabot sa kabuuang 1,684,597 na pasahero ang kanilang naitala.
Sa nasabing panahon, naitala naman ang record-breaking foot traffic nitong Disyembre 23 na umabot sa 204,647.
Ito na ang pinakamataas na bilang sa kasaysayan ng PITX.
Inaasahan ng PITX na makakapagtala ng 2.6 milyong pasahero mula Disyembre 15, 2023 hanggang Enero 3, 2024.