NANANATILI pa ring normal ang sitwasyon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw at hindi pa gaanong dagsa ang mga biyahero.
Pero may iilan na mas piniling bumiyahe na ngayon kaysa mga susunod na araw.
Anila ito ay para makaiwas sa pagdagsa ng mga tao sa mga susunod na araw.
Ayon kay PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador, nakahanda na sila sa pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa.
Dagdag ni Salvador, inaasahang bilang ng mga gagamit ng PITX ay umaabot sa 1.2 milyon na tao.
Ngayong hapon, magkakaroon ng Transportation Agency Inspection sa PITX bilang paghahanda sa Holy Week Exodus.
Iinspeksyunin ng iba’t ibang ahensiya ang kahandaan ng terminal at mga drayber.
Pangungunahan ng Department of Transportation ang inspeksiyon kasama ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Land Transportation Office, Metropolitan Manila Development Authority at Inter-Agency Council for Traffic.