Planong 3-strike policy ng TRB laban sa mga motorista, pinalagan ng mambabatas

INALMAHAN ni Deputy Speaker at Valenzuela Representative Wes Gatchalian ang planong pagpapatupad ng Toll Regulatory Board (TRB) ng 3 strike policy sa mga motoristang gumagamit ng express ways ng walang sapat na RFID load.

Tirada ni Gatchalian, kung mayroong 3-strike rule sa mga motorista dapat mayroon ding 3-strike rule sa mga toll operators.

Giit ng mambabatas, bago puntiryahin ang mga motorista ay dapat muna panagutin ng TRB ang toll operators sa mga aberyang naranasan sa pag-iral ng cashless system.

Halimbawa na aniya ang problemang naranasan sa ilang toll gate sa Valenzuela kungsaan nagkaroon ng matinding daloy ng trapiko dahil sa hindi gumaganang harang sa toll gates.

Dagdag pa nito, hindi din muna dapat mag-implementa ng mga ganitong kasleng polisisya ang TRB hanggat hindi pa interoperatable ang RFID sa parehong NLEx at SLEx.

Anito, dapat munang siguraduhing sumusunod ang operators sa kanilang kontrata at bantayan ang pagbibigay nito ng maayos na serbisyo sa mga motorista.

SMNI NEWS