Planong impeachment complaint vs VP Sara Duterte, pamumulitika lang—FPRRD

Planong impeachment complaint vs VP Sara Duterte, pamumulitika lang—FPRRD

NAGBIGAY ng pahayag si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pinaplanong impeachment complaint laban sa kaniyang anak na si Vice President at Education Secretary Sara Duterte.

“Tingin ko wala namang iba, it’s all politics as yet of no finding of any culpable violation of the Constitution” saad ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang tugon ni dating Pangulong Duterte kaugnay sa umano’y planong impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.

Magugunita na ibinunyag ng dating CPP-NPA-NDF cadre na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz sa programang Laban Kasama ang Bayan na pinaplano na umano ng Makabayan Bloc congressman ang paghahain ng impeachment complaint laban kay VP Sara.

Kaugnay ito sa umano’y mabilis na paggastos ng OVP sa P125-M confidential funds na ibinigay ng Office of the President noong Disyembre 2022 na kinuwestiyon din ng ilang grupo sa Kataas-Taasang Hukuman.

Sinabi naman ni dating Pangulong Duterte sa kaniyang programang Gikan sa Masa Para sa Masa sa SMNI, dapat imbestigahan muna ng mga ito kung mayroong anomalya sa paggastos ng pangalawang pangulo sa naturang pondo.

Giit pa ni FPRRD, wala siyang nakikitang mali sa ginawang aksiyon nina PBBM at VP Sara.

“But the fact is they should have initiated an investigation to find out whether there was a misused of the funds ‘yung previous re granted by President Marcos binaba niya doon sa Office of the Vice President,” ayon kay FPRRD.

“Alam mo, tama si Marcos at tama si Inday because aside from being a Vice President officially, si Inday ginawa nang Vice Chairman ni President Marcos designated her as a Vice Chair sa ELCAC,” ayon pa kay Duterte.

Ito rin aniya ang nakalimutan ng mga kumukuwestiyon sa intelligence fund na hiling ng OVP.

“Siyempre bagong administrasyon, the President designated the Vice President as the Vice Chair ng ELCAC. So, ‘yun ang dahilan, na one of the things also that na-overlook ng members ng Congress in denying or questioning the intelligence fund of the Vice President,” diin ni Duterte.

Kung ang dating Pangulo naman ang tatanungin kaugnay sa C-I-F.

“Ako, if ako ‘yung presidente hindi not necessarily ‘yung anak ko ‘yung vice president. If I designate the vice president sa ganong trabaho, I would give him about mga easily, about 500 million. It’s not easy to, I said kailangan kasi ng softlanding itong ROTC. A more rebond the thing kasi hindi na compulsory. For many years, ayaw na ng mga bata na sumali diyan sa ROTC because it is a military training and most of the guys itong mga bata, you know it’s a Saturday affair,” ayon pa sa dating Pangulo.

Kaugnay nito, pinuna rin ni FPRRD ang liderato ng Kamara sa paglalagay ng CIF sa 2024 proposed budget ng OVP kung sisitahin lang din ito.

“Alam mo ang hinihingi ko lang naman sa kanila is ang respeto, kung ayaw pala nila ibigay bakit nila nilagay doon sa proposed budget, edi, tinawagan na lang sana nila ‘yung anak ko sabihin, ‘Inday, hindi man pwede ito kasi iyong mga left,” diin pa ni Duterte.

Hirit naman ni Duterte sa Kamara,

“’Yung binigay ni Marcos, ‘yun ang dapat i-audit. I-audit mo muna tingnan mo kung may mali, nagastos ba ng pribado na kamay o para talaga sa gobyerno then you go to impeachment. You cannot go into a guessing game na basta na i-impeach for what? Intelligence fund? Binigay sa ‘yo eh, eh bakit ibigay mo sa akin kung hindi ko gastusin? aniya.

FPRRD, mapipilitang magbalik sa politika sakaling patalsikin sa puwesto si VP Sara

Babala naman ni dating Pangulong Duterte sa nais magpatalsik kay VP Sara.

“Mapilitan ako, it’s either I will run for senator or I will run for vice president maski matanda na ako,” diin ni FPRRD.

Matatandaan naman na sa isang media forum ay dinepensahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. si VP Sara mula sa mga nais na mapatalsik ito sa puwesto.

Ani Pangulong Marcos, hindi deserve ni VP Sara Duterte ang ma-impeach.

Follow SMNI NEWS on Twitter