Planong mapalawak at gawing moderno ang kakayahan at serbisyo ng PCG, suportado ng Marcos admin

Planong mapalawak at gawing moderno ang kakayahan at serbisyo ng PCG, suportado ng Marcos admin

TINIYAK ng Administrasyong Marcos ang suporta nito sa matatag na paninindigan ng Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay ng plano at pagsisikap na mapabuti, palawakin at gawing moderno ang kanilang mga kakayahan at serbisyo.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kasabay ng pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng PCG sa lungsod ng Maynila nitong Oktubre 17.

‘‘Be assured that this administration firmly stands with you in your plans and efforts to improve, expand and modernize the capabilities and services so that you may better contribute to the security and welfare of our people and of the nation,’’ pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Lubos namang nagpasalamat si Pangulong Marcos sa PCG sa pagbibigay ng matatag na serbisyo at dedikasyon sa pagtataguyod ng maritime security at maritime rights ng bansa.

Malaking ambag aniya ito para sa paglaban sa pagpasok ng smuggled goods, pagprotekta sa marine environment at pagtitiyak ng kaligtasan ng mga mangingisda.

‘‘Your integrity, your discipline and professionalism in the performance of your mandate have helped us further our collective vision of a stronger, more harmonious and more resilient Philippines,’’ ayon pa sa Pangulo.

40 patrol boats na pagpapataas ng kapabilidad ng PCG, pinapagawa ng Marcos admin

Samantala, iniulat ni Pangulong Marcos na nagpapagawa na ang pamahalaan ng 40 units na 15-meter patrol boats.

Sa Cebu aniya ginagawa ang mga barkong ito na magpapataas ng kapabilidad ng PCG. Nabanggit ni Pangulong Marcos na gagamitin ang mga nasabing barko sa pagpapatrolya sa mga karagatan kasama na sa West Philippine Sea (WPS).

‘‘Marami silang ginagawa so we are continuing with the new vessel (inaudible) Cebu. ‘Yan ang isa sa idadagdag natin, and we will eventually have 40 of them and that will give us increased capability. This is ongoing,’’ dagdag pa ng Pangulo.

Ang naturang patrol boats ay parte ng pagpapataas ng kapabilidad ng Pilipinas upang depensahan ang maritime sovereign territory ng bansa.

Bukod sa mga kagamitan, kasama ring ina-upgrade ang mga pagsasanay at kapabilidad ng mga tauhan lalo na ng PCG.

‘‘Not only because we are on the frontlines and the problems now we are facing in the WPS, but also because of the very important function they play when it comes to search and rescue, maritime incidents, even disaster assistance,’’ ani Pangulong Marcos.

Inihayag pa ni Pangulong Marcos na maswerte ang Pilipinas dahil maraming bansa ang tumutulong upang pagandahin ang PCG.

PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng PCG sa Maynila

Nitong hapon ng Martes, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang 122nd Founding Anniversary ng PCG sa Pier 15, Port Area sa Maynila.

Sa nasabing event, ipinakita ng pamunuan ng PCG ang accomplishment report ng organisasyon, na nagbibigay-diin sa kanilang matagumpay na operasyon sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mamamayang Pilipino partikular ang mga mangingisda.

Ito ay habang patuloy na ipinagtatanggol ng PCG ang maritime claims ng bansa sa gitna ng tumitinding alitan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Bilang parangal sa dedikadong personnel, ipinagkaloob ni Pangulong Marcos ang PCG Anniversary Awards sa 13 tauhan ng PCG na nagpakita ng pambihirang pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Tumanggap naman si Pangulong Marcos ng isang dynacast high-speed boat, bilang tanda ng pasasalamat ng organisasyon.

Kasama ni Pangulong Marcos sa event sina SAP Sec. Anton Lagdameo, DOTr Sec. Jaime Bautista, Cong. Sandro Marcos, PCG Commandant Admiral Artemio Abu at iba pang opisyal.

‘‘All these were accomplished through our continuous efforts to improve our ranks. The Philippine Coast Guard is currently 30,000 strong and counting. As our numbers improve, so does our competency, through the conduct of continuous training, education and capacity building assistance from our foreign allies and friends,’’ ayon kay Adm. Artemio Abu Commandant, PCG.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay ‘‘Sailing Together in Unity and Harmony.’’

Follow SMNI NEWS on Twitter