Planong mass deportation sa US: DMW handang tumulong sa 370,000 undocumented Filipinos

Planong mass deportation sa US: DMW handang tumulong sa 370,000 undocumented Filipinos

SINABI ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na handa ang Department of Migrant Workers (DMW) na tulungan ang tinatayang 370,000 undocumented Filipino immigrants na maaaring maapektuhan ng planong U.S. Mass Deportation Policy.

Layon ng patakarang ito na i-deport ang halos isang milyong undocumented na imigrante bawat taon.

Noong nakaraang termino ni Trump (2017-2020), mayroong 300,000 undocumented na imigrante bawat taon na na-deport. Mahigit 3,500 Pilipino ang na-deport, kung saan ang pinakamataas na bilang na 503, ay naitala noong 2018.

Ang DMW, kasama ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa pakikipagtulungan sa Department of Foreign Affairs (DFA), ay naghahanda ng mga mekanismo ng suporta, kabilang ang pinansiyal, medikal, at legal na tulong sa pamamagitan ng AKSYON at Emergency Repatriation Fund.

Sisiguruhin ng mga pondong ito na ang mga apektadong Pilipino ay may agarang access sa mga mahahalagang serbisyo kung sila ay ibabalik sa Pilipinas.

“The DMW is prepared to assist our OFWs, whether they are documented or undocumented OFWs. Under the directives of our President, a whole-of-government team is here to provide support to possible deportees,” ani Secretary Hans Leo Cacdac, DMW.

Sa pamamagitan ng National Reintegration Center for OFWs, tutulungan ng DMW ang muling pagsasanay sa trabaho (retooling), reskilling, at employment facilitation sa apektadong Pilipino, sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Nakatuon din ang kagawaran na mag-alok ng iba pang trabaho sa mga Filipino sa iba pang mga bansa sa pamamagitan ng government-to-government agreements sa merkado tulad ng Croatia, Slovenia, Germany, Hungary, at Japan upang magbigay ng alternatibong mga opsiyon sa trabaho para sa mga nagbabalik.

“We will continuously coordinate with the DFA and with the US authorities on monitoring the developments on the ground. Rest assured that DMW, along with its partner agencies, is ready to provide support and assistance to our OFWs,” ani Cacdac.

Pinapayuhan din ng DMW ang Filipino illegal migrants na may unpaid wage claims at iba pang labor-related complaints na makipag-ugnayan lamang sa kanilang tanggapan sa Amerika.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble