Planong pag-aresto kay FPRRD matagal nang planado ng Marcos admin—political analyst

Planong pag-aresto kay FPRRD matagal nang planado ng Marcos admin—political analyst

NANINIWALA ang political analyst na si Ado Paglinawan na matagal nang planado ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Marcos Jr. administration.

Aniya, naghihintay lamang ng tamang pagkakataon ang administrasyon, lalo na sa sunod-sunod na mga pangyayari.

Sa panig naman ng Marcos administration, iginiit nilang sumusunod lamang sila sa utos ng International Criminal Court (ICC) na arestuhin si Duterte kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa extrajudicial killings.

Ngunit, sumablay aniya ang administrasyon nang tanungin kung may arrest warrant na nga ba laban sa dating pangulo.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng ICC si Duterte at nakatakdang humarap sa pre-trial proceedings ngayong araw, Marso 14, 2025.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble