NILINAW ng Department of Agriculture (DA) na hindi na nila gagawin ang pinaplanong pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa bigas.
Sa pahayag ni DA Sec. Francisco Laurel, Jr. ay napapansin nilang paiba-iba ang presyo ng agri-products sa pandaigdigang merkado dahil sa El Niño kung kaya’t hindi naangkop ang pagkakaroon ng SRP.
Naniniwala ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na makaaapekto sa rice importation ang planong pagpapatupad ng DA ng SRP sa bigas.
Sinabi ni SINAG President Rosendo So, mataas na ang pandaigdigang presyo ng bigas.
Posibleng hindi na magpapapasok ng bigas sa Pilipinas ang importers dahil nga ang pag-angkat nila sa Vietnam at Thailand ay mataas na ang presyo.
Samantala, sinabi ni Laurel na doble ang pagsisikap ngayon ng DA para matiyak na sasapat pa rin ang suplay ng bigas sa bansa sa kabila ng magiging epekto ng El Niño.
Isa sa mga hakbang ang pagkakaroon ng importasyon aniya.