Planta ng kuryente at gobyerno, dapat ding managot sa Panay blackout

Planta ng kuryente at gobyerno, dapat ding managot sa Panay blackout

BUKOD sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay dapat ding managot sa Panay blackout ang gobyerno at ang mga planta ng kuryente sa Visayas.

Ito ang paniniwala ni Sen. Chiz Escudero sa gitna ng panawagang i-revoke ang prangkisa ng NGCP ay naniniwala si Escudero.

“I don’t think we should be too ‘light handed’ about franchise revocations lest it is perceived as a sword of Damocles hanging over all franchise holders whenever they do something wrong or displease the powers that be,” ayon kay Sen. Chiz Escudero.

Sinabi rin ni Escudero na meron pang ibang paraan na panagutin ang responsable sa apat na blackout sa Panay bukod sa pag-revoke.

Bagama’t malinaw na may pagkukulang ang NGCP sa pagkumpleto ng kanilang mga transmission o grid projects ay sinabi ng mambabatas na dapat ding panagutin ang Palm Concepcion Power Corporation (PCPC) sa pag-shutdown ng kanilang planta noong Enero 2.

Sa pagdinig ng Senado kahapon ay lumutang na ang magkakasunod na pag-shutdown ng PCPC at iba pang planta ng kuryente ang naging dahilan ng blackout sa iba’t ibang probinsiya sa Panay Island ng apat na araw simula Enero 2, 2024.

Pinuna rin ni Escudero ang gobyerno dahil sa bigo itong i-monitor at i-supervise ang mga power plant, maging ang NGCP.

Mabagal din aniya ang gobyerno sa pag-update ng Philippine Grid Code.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble